-
Ngayon lang ako na-conscious ng sobra sa katawan ko dahil ngayon lang ako tumaba ng ganito. Alam kong hindi naman ako ganon kataba pero nakakafrustrate lang na subukang isuot yung mga damit ko pero hindi sila magkasya. O di kaya ay magsuot ng sleeveless ng may dalawang siksik na longganisa bilang mga braso.
Kaya naman ipinapangako ko sa sarili ko (at sa tulong ng mga larawang na tulad nito) na magiging fit ako. Hindi payat kundi FIT. Sana ang araw-araw na Pilates ay maging sapat para makita ko uli ang totoong hubog ng katawan ko.
(via two-twenty)
